57 blinkers at 9 sirena, nakumpiska sa kampanya kontra wang-wang

57 blinkers at 9 sirena, nakumpiska sa kampanya kontra wang-wang

Pinaigting ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ang paninita sa mga pribadong sasakyan ng gumagamit ng blinker at sirena.

Sa ulat ng HPG mula Hulyo 1 hanggang 8, kabuuang 57 blinkers at 9 sirena ang nakumpiska ng pulisya, kung saan isang blinker at 6 sirena ang nakuha sa ilang pribadong sasakyan sa Metro Manila.

Nilinaw ni Police Lieutenant Colonel Catherine Dalmacia, officer-in-charge ng HPG operations management division na wala silang ginawang pag-aresto sa first offense.

Pero kung paulit-ulit aniya ang paglabag ay mahaharap ang may-ari ng pribadong sasakyan sa criminal offense at multa.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 96, ang paggamit ng emergency devices ay para lamang sa official vehicles ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), Land Transportation Office (LTO), Bureau of Fire Protection (BFP) at mga ambulansya.

Follow SMNI NEWS in Twitter