5K food packs, inihatid sa Ilocos Sur para sa mga apektadong pamilya ng Bagyong Hanna

5K food packs, inihatid sa Ilocos Sur para sa mga apektadong pamilya ng Bagyong Hanna

AABOT sa 5,000 family food packs ang inihatid sa 2nd District ng Ilocos Sur upang maipaabot sa mga apektadong pamilya na apektado ng Bagyong Hanna.

Ito’y dagdag na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 na ibibigay ng probinsiya ng Ilocos Sur sa mga biktima ng bagyo.

Paalala ng DSWD, lumapit lamang sa inyong lokal na pamahalaan para agarang matugunan ang mga pangangailangan sa panahon ng anumang kalamidad.

Nakikiisa rin ang DSWD Field Office 1 sa pagdiriwang ng ika-123 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service na may 10-year overarching theme, “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes”.

Samantala, ang weekly theme na nakahanda ngayong taon ay ang “Linggo ng Lingkod Bayani”, “Linggo ng Paglilinang ng Yamang Tao”, “Linggo ng Malasakit” at “Linggo ng Pasasalamat”.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble