PAGIGING disiplinado at pagpapatupad ng dekalidad na serbisyo, ilan lamang ito sa mga katangian kung bakit itinanghal bilang pinakamahusay sa lahat ng major units ng Philippine Army ang 5th Infantry Division (ID).
Sa katatapos lang na Annual General Inspection 2023, kung saan nanguna ang 5th ID na nakakuha ito ng 94.5% na grado, habang ang 6th ID ay nakakuha naman ng gradong 94.2% at ang 4th ID na mayroong 93.9% na grado.
Dagdag pa dito naging mabisa din sa pagpapatupad at paggamit ng resources ang 5th ID, naging maayos din ang pamumuno ng mga opisyal ng nasabing dibisyon.
Dahil dito nagpapasalamat ang pamunuan ng 5th ID at tiniyak ni MGen. Audrey Pasia na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang pagsisikap para makapagbigay ng magandang serbisyo para sa lahat ng kanilang nasasakupan.
Ang Annual General Inspection ay basehan para matukoy kung naipatutupad ba ng mga yunit ng organisasyon ang kani-kanilang misyon.