6.8K ektarya ng sugar plantation sa Negros Occ, apektado sa pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon

6.8K ektarya ng sugar plantation sa Negros Occ, apektado sa pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon

APEKTADO ang halos 6.8K (6,797) na ektarya ng sugar plantation sa Negros Occidental dahil sa pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon.

Sa ulat ng Sugar Regulatory Administration (SRA), partikular na apektado ang plantation sa La Carlota, La Castellana, Bago City, at Murcia.

Kung magpapatuloy anila ang pagbuga ng abo ng bulkan sa sugar plantations, maaaring bumaba ang domestic output ng asukal ngayon.

Ang Negros Occidental ay tinaguriang sugar capital ng Pilipinas.

Samantala, umaapela na ang lokal na pamahalaan ng Canlaon City, Negros Oriental ng tulong mula sa national government.

Ito’y dahil paubos na ang kanilang pondo at ayon sa Office of Civil Defense, aabutin na lang ito ng hanggang tatlo o apat na araw.

Tinatayang nasa 6K (6,092) ang apektadong indibidwal mula sa limang barangay sa Canlaon City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble