6-anyos na bata sa Basilan, patay sa bugbog ng sariling ina

6-anyos na bata sa Basilan, patay sa bugbog ng sariling ina

ISANG masaklap na trahedya ang yumanig sa Lamitan City, Basilan, matapos matagpuang patay ang isang 6-anyos na batang babae, matapos umanong bugbugin at isako ng sariling ina.

Ayon sa ulat ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Police, nagsimula ang insidente nang umalis ang bata noong ika-14 ng Hunyo upang bumili ng gulay kasama ang pinsan — nang hindi nagpapaalam sa ina.

Dahil dito, nagalit umano ang ina. Nang makita ang anak sa gilid ng kalsada, pinaghahampas niya ito gamit ang matigas na sanga ng kahoy at kinaladkad pauwi.

Ayon sa pulisya, isinilid pa umano sa sako ang halos wala nang malay na bata bago ito isinugod sa ospital, kung saan idineklara siyang dead-on-arrival.

Hawak na ng Lamitan City Police ang ina, na sasampahan ng kasong parricide, kasabay ng paglabag sa Republic Act 7610 — ang batas laban sa child abuse at exploitation.

Nanawagan si P/Brig. Gen. Romeo Macapaz sa publiko na huwag manahimik sa harap ng pang-aabuso sa mga bata, at agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang insidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble