ANIM na aktibong miyembro ng communist terrorist groups (CTGs) ang boluntaryong sumuko sa tropa ng 78th Infantry Battalion sa pamamagitan ng Joint Focus and Civil Military Operations sa lalawigan ng Samar at Eastern Samar.
Kabilang din sa isinuko ng mga rebelde ang limang matataas na kalibre ng armas.
Ang nasabing katagumpayan ay nakamit ng pamahalaan sa loob lang ng dalawang linggo ngayong buwan ng Mayo.
Mainit naman na na tinanggap ng Acting Commanding Officer ng 78IB na si LtCol. Joseph Bugaoan ang mga bagong sumuko.
Kasabay ang pasasalamat sa mga nagbalik-loob dahil sa kanilang desisyon na iwanan ang armadong grupo at pinili na makasama ang kanilang mga pamilya.