KANSELADO pa rin ngayong araw ng Huwebes ang anim na flights papunta at pabalik ng Tacloban Airport na may kinalaman sa runway closure kahapon o araw ng Miyerkules.
Ayon sa CEB, kanselado ang flight DG 6569/6570: Cebu – Tacloban o vice versa.
Ganun din ang 5J 649/650,5J 2901/2902 mula Manila-Tacloban pabalik.
Kahapon, apat ang naitalang kanseladong flights ng CEB papunta at paalis ng Tacloban dahil sa emergency na ginagawa ang runway, bunga nito pansamantala nagsara ang operasyon ng paliparan ng higit walong oras.
Ang mga apektadong pasahero ay naabisuhan sa pamamagitan ng email at binigyan ng mga sumusunod na opsiyon sa pamamagitan ng Manage Booking portal ng CEB.