6 foreign nationals, natagpuang patay sa isang hotel sa Bangkok, Thailand; Toxic substance, posibleng sanhi

6 foreign nationals, natagpuang patay sa isang hotel sa Bangkok, Thailand; Toxic substance, posibleng sanhi

PATULOY pang iniimbestigahan ng Thailand Police ang pagkamatay ng anim na foreign nationals sa Grand Hyatt Erawan Hotel sa Bangkok.

Sa ulat ng mga pulis, ang anim ay may Vietnamese ancestry subalit dalawa sa mga ito ay may US passports.

Magkahiwalay na dumating noong Hulyo 13 at 14 maging ang mga silid ng tatlong lalaki at tatlong babae sa hotel.

Subalit nang sila ay makitang walang buhay nitong Martes, Hulyo 16 ay magkasama na sila sa isang silid.

Naniniwala ang Thai Police na hindi self-harm ang insidente at mayroong isang tao ang siyang sanhi ng pagkamatay ng anim.

Posible pa anilang toxic substance ang ikinamatay ng mga ito.

Sa ngayon ay mayroong hinahanap na ika-pitong indibidwal ang pulis na konektado sa anim.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble