6 foreign test kits, inaprubahan ng FDA

INAPRUBAHAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang 6 na foreign test kits para sa detection ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa FDA, sa kasalukuyan ay may 10 brand ng test kits mula sa ibang bansa ang maaaring gamitin for commercial use na nang inaprubahan ng FDA noong Marso 20 ang paggamit ng test kits na mula South Korea, Singapore at Germany.

Nitong Lunes, Marso 23, may 2 brand pa ng test kits ang inaprubahan ng ahensya mula naman sa United Kingdom at Spain.

Samantala, nilinaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kasalukuyan pang nasa field trials ang dinevelop na test kits ng University of the Philippines-National Institute of Health.

Aniya, kailangan muna nitong makakuha ng clearance mula sa FDA para payagang magamit for commercial use.

Leave a Reply

Your email address will not be published.