6 Iranian national, pinatawan ng parusang kamatayan sa Saudi Arabia

6 Iranian national, pinatawan ng parusang kamatayan sa Saudi Arabia

PINATAWAN ng parusang kamatayan sa Saudi Arabia ang anim na lalaking Iranians dahil sa pagpupuslit ng ilegal na droga.

Ang naturang parusa na ipinataw ay nakalinya naman ayon sa Riyadh sa Islamic Law kung saan nilalayong maprotektahan ang kanilang mga nasasakupan mula sa ilegal na droga.

Sa kabila nito, ang naturang hakbang ay matinding tinutulan ng Iran.

Sa kasalukuyan ay sinisikap pa ng dalawang bansa na iaayos ang kanilang relasyon mula sa mga dating hindi pagkakaintindihan ngunit nangyari naman ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble