MAHIGIT 86 na libo na mga pamilya o katumbas ng tatlong daang libo (337,506) na indibidwal mula sa 10 rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng Bagyong Ferdie.
Batay ito sa 8:00am update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes, Setyembre 16, 2024.
Sa mga apektado, anim ang naiulat na nasawi habang 11 ang sugatan.
Dalawa rin ang naitalang missing ayon sa NDRRMC.
Pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Ferdie noong Setyembre 13 ngunit umalis lang din ito, madaling araw, noong Setyembre 14.