6 katao nasawi sa pananalasa ng shear line sa Oriental Mindoro at Palawan—NDRRMC

6 katao nasawi sa pananalasa ng shear line sa Oriental Mindoro at Palawan—NDRRMC

UMABOT na ng 6 katao ang nasawi sa Oriental Mindoro at Palawan dahil sa mga pagbaha dulot ng shear line.

Ito ang datus na ibinigay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Habang isang indibidwal ang patuloy na pinaghahanap.

Tinatayang aabot sa mahigit 100,000 katao o residente ang apektado sa 2 lalawigan.

Batay sa pinakahuling datos, apektado ang kabuuang 107,329 na residente o 29,528 pamilya mula sa 116 na barangay.

Dahil sa lawak ng pinsalang dulot ng pagbaha, nasa state of calamity ang ilang bahagi ng Palawan upang mapabilis ang pagbibigay ng ayuda at pagbangon ng mga naapektuhan.

samantala, nasa P5.5 milyon ang naipamahaging tulong sa mahigit 25,000 pamilya sa Palawan at Oriental Mindoro.

patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble