TIWALA si House Speaker Martin Romualdez na abot-kamay ang target ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na anim na milyong pabahay sa kanyang termino.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag sa groundbreaking ceremony ng Legacy Housing Project ng Marcos administration sa Batasan Hills Quezon City.
Sa kanilang parte sa Kamara, tiniyak ni Romualdez ang buong suporta para sa mithiin ng Pangulo kahit ano mang hamon pa nito.
“This is how we move forward, this is how we move mountains,” ani Romualdez.
Dagdag pa ng lider ng Kamara na inatasan na ni Pangulong Marcos si Housing and Urban Sectretary Jose Rizalina Acuzar at ang private sector na gamitin ang lahat ng resources para suportahan ang housing program ng pamahalaan.
Nauna nang tinarget ng Marcos administration na makapagtayo ng 1-milyong pabahay kada taon para maabot ang 6 million housing.