6 na ‘delinquent employers’ sa Makati, pinagsabihan ng SSS

6 na ‘delinquent employers’ sa Makati, pinagsabihan ng SSS

SINUYOD ng Social Security System (SSS) Chino Roces branch ang kahabaan ng Central Business District sa Barangay San Lorenzo Makati.

Sa kanilang Run After Contribution Evaders (RACE) campaign ngayong umaga, pinagsabihan ng SSS ang mga delingkwenteng employer na ayusin na ang kanilang kontribusyon.

Ayon kay Atty. Victorina Pardo-Pajarillo ng SSS NCR South Legal Deparment, mahalaga na maayos ng employers ang kanilang atraso sa SSS para maibigay ang tamang benepisyo sa kanilang mga manggagawa.

Sa kanilang operasyon, 6 na ‘delinquent employers’ ang kanilang pinagsabihan at hinimok na mag-avail sa kanilang Pandemic Relief and Restructuring Program na magtatapos ngayong Nobyembre para matulungan sa pag-aayos sa kanilang ‘delinquencies.’

Sa 24 na bugso ng RACE campaign ng SSS sa buong NCR, nasa 13.2 million na ang kanilang nakokolekta at target nilang magsagawa ng 40 operasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter