6 na mga senador, nakakuha ng suporta mula sa League of Provinces

6 na mga senador, nakakuha ng suporta mula sa League of Provinces

NAKUHA ng 6 na senador ang suporta sa League of Provinces of the Philippines (LPP) na ibinase sa survey ng grupo noong Disyembre 2021.

Sinabi ni LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco, Jr., kanilang susuportahan sina senatorial candidates: Senators Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri; Sorsogon Gov. Francis ‘Chiz’ Escudero; former DPWH Secretary Mark Villar; at Deputy Speaker Loren Legarda.

Dagdag ni Velasco, nagkasundo ang 81 gobernador na miyembro ng LPP na magsagawa ng survey upang kilatisin at pumili ng mga senatorial candidates.

Ayon kay Velasco, kailangan ng mga gobernador ang kaalyado sa Senado upang isulong ang kanilang legislative agenda at ipagpatuloy ang nasimulan tungo sa fiscal at local autonomy ng Local Government Units.

Dahil dito, pinasalamatan ni Nationalist People’s Coalition senatorial candidate Loren Legarda na isa siya sa napili ng mga gobernador.

Magugunitaang, inendorso rin si Legarda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ng Trade Union Congress of the Philippines at iba’t-ibang Mayor’s Leagues sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter