6 na sugatang sundalo sa Negros Occidental, pinarangalan

6 na sugatang sundalo sa Negros Occidental, pinarangalan

PERSONAL na iginawad ni Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. ang Wounded Personnel Medals sa 6 na sundalo na miyembro ng 94th Infantry Battalion ng 3rd Infantry Division na nasugatan sa engkwentro sa CPP-NPA sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Ito ay kasabay ng pagbisita nina Undersecretary Faustino, AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro, Philippine Army commanding general Lieutenant General Romeo Brawner at ilan pang opisyal sa mga sundalo na nagpapagaling sa ospital sa Bacolod City.

Pinuri ni Undersecretary Faustino ang katapangan at dedikasyon ng mga sundalo para protektahan ang mga mamamayan ng Himamaylan City laban sa pangingikil, panlilinlang sa mga kabataan, at iba pang iligal na aktibidad ng CPP-NPA.

Sa serye ng engkwentro sa lugar, dalawang sundalo ang nasawi at anim na iba pa ang nasugatan.

Habang napatay ng militar si Romeo Nanta, Commanding Officer ng Regional Operational Command ng Komiteng Rehiyon–Negros at tagapagsalita ng Apolinario Gatmaitan Command.

Follow SMNI NEWS in Twitter