SUMALANG na sa inquest proceedings ang 6 na suspek sa Degamo slay-case sa Department of Justice (DOJ).
Matapos mai-transfer sa Maynila ang 6 na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ay inihatid na sa DOJ mula National Bureau of Investigation (NBI) para isalang sa inquest.
Sa kabuuan, mayroong 10 suspek sa Degamo case ang hawak na ng NBI.
Ayon pa kay Remulla, nais ng 6 na suspek na mabigyan ng proteksiyon sa ilalim ng ‘witness protection program’ (WPP).
Maging ang iba pang suspek na nauna nang inilagay sa kustodiya ng NBI.
Ito ay ikukunsidera ng DOJ para kahit paano ay maproteksiyonan ang kanilang mga pamilya.
Kasunod nito ayon sa kalihim, kakausapin o iinterbiyuhin ng WPP ang mga suspek ngayong araw.
Ayon sa kalihim, hindi madaling sabihin kung maaari silang ilagay sa WPP at kailangan pang madetermina ang kanilang partisipasyon sa krimen.
Una nang sinabi ng kalihim na sa 10 suspek, 9 dito ay may direktang partisipasyon sa krimen.