MAYROONG anim na bagong Omicron subvariants na nadiskubre na kasalukuyang minomonitor sa iba’t ibang bansa.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, bagama’t mababa pa ang mga rate ng naturang anim na subvariants sa ibang bansa, mahigpit itong binabantayan.
Saad ni Solante, mayroon itong characteristics na puwedeng mataas ang mutation, mataas ang hawahan at puwedeng makaiwas doon sa covid vaccines o antibodies na nakukuha sa mga bakuna.
Isa rito ang BA2.75 na naitatala na sa 48 mga bansa.
Kasama rin ang BA2.75.2 na mayroong additional mutations kumpara doon sa BA2.75.