6 patay, 2 sugatan sa aksidente matapos mahulog sa bangin sa Mountain Province

6 patay, 2 sugatan sa aksidente matapos mahulog sa bangin sa Mountain Province

PATAY ang 6 na indibidwal habang sugatan ang 2 iba matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan sa Catengan, Besao, Mountain Province.

Sa ulat kay PNP Cordillera Spokesperson Police Captain Marnie Abellanida, sakay ang mga biktima ng Tamaraw FX nang mahulog sa bangin na tinatayang 100-metro ang lalim.

Edad 17 hanggang 21 taong gulang ang mga biktima na nanggaling pa sa Ilocos Sur.

Posibleng ang malakas na ulan sa lugar ang dahilan ng aksidente.

Samantala, dinala naman sa ospital ang dalawang nasugatan.

Follow SMNI NEWS in Twitter