NAGHAIN na ng reklamong paglabag sa Republic Act No. 9208, as amended by Republic Act No. 10364 sa Department of Justice (DOJ) ang 6 na biktima laban sa kanilang mga recruiter na 3 Pilipino at 1 Chinese national.
Nabatid na mula sa Myanmar ay nakabalik sila sa Pilipinas noong Mayo 11 sa tulong ng Philippine Embassy (PE), Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA), at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PACC).
Ni-recruit sila bilang mga customer service representatives online para magtrabaho sa Thailand, pero dinala sila sa Myanmar para akitin ang mga dayuhan sa cryptocurrency scam.
Ayon sa mga biktima, inoobliga sila ng kanilang amo na magbayad sila ng $7-K bawat isa bilang kabayaran sa paglabag sa kontrata kung gusto nilang bumalik sa Pilipinas at ikinulong sila sa magkahiwalay na kwarto, kinumpiska ang kanilang mga pasaporte, cellphone, hindi pinapakain, at sinasaktan.
Lima sa kanila ay nagbayad ng P300-K bawat isa, habang ang isa ay nakapagbigay ng mas mababa sa hinihinging halaga, pero pinalaya ng employer.