NANAWAGAN ang provincial government ng Bulacan na palitan na ang anim na rubber gates ng Bustos Dam matapos masira ang isa sa mga ito.
Ipinangangamba ng Bulacan na baka masira pa ang ibang gates kung hindi ito agad mapalitan.
Maaari ding humantong ito sa mas malalang insidente.
Suhestiyon pa ng provincial government, mas matibay na materyales ang dapat gamitin bilang kapalit ng anim na rubber gates ng Bustos Dam.
Nasira ang Gate 3 ng dam dahil sa matinding init ng panahon na nagdulot ng paglawak ng compressed air o gas sa loob ng gate.
Ipinagbigay-alam na ang isyu sa National Irrigation Administration (NIA) para sa agarang aksyon.