6 senatorial aspirants, naghain ng mosyon matapos ideklarang ‘nuisance’

6 senatorial aspirants, naghain ng mosyon matapos ideklarang ‘nuisance’

HINDI tinanggap ng anim na senatorial aspirants ang pagkakadeklara sa kanila bilang nuisance candidates sa 2025 midterm elections.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), inihain ng anim ang kanilang mga motion for reconsideration para kwestiyunin ang desisyon ng poll body sa kanila.

Nasa 183 ang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COCs) bilang senador sa 2025.

Mula sa bilang, nasa 117 na ang idineklarang nuisance candidates at 66 pa lang ang nasa initial list ng official senatorial aspirants ng COMELEC.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble