60-M passenger capacity ng NAIA kada taon, target ng bagong mangangasiwa sa paliparan

60-M passenger capacity ng NAIA kada taon, target ng bagong mangangasiwa sa paliparan

ABALA pa rin hanggang ngayon ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa paghahanda ng pag-turnover sa New NAIA Infrastructure Corporation simula ngayong Setyembre 14.

Ibig sabihin, magiging pribado na ang pag-operate sa NAIA habang gagampanan naman ng MIAA ang bagong tungkulin nitong bilang regulator sa pagpapatakbo ng paliparan.

Paliwanag ni MIAA spokesperson Atty. Chris Bendijo sa concession agreement, ang operations at maintenance lamang ang iti-turn over ng MIAA sa NNIC na tinatawag na project land na may kinalaman sa apat na terminal ng NAIA kabilang na rin ang itatayong terminal.

“Ito po iyong tinatawag nating project land, so lahat po ng operations at maintenance sa lahat po ng kagamitan, pasilidad at pagpapatakbo sa loob ng project land na ito, iyon lang po ang saklaw ng ating concession agreement at iyon lang po ang ating iti-turnover sa private concessioner na si NNIC,” pahayag ni Atty. Chris Bendijo, Spokesperson, MIAA.

Aminado rin ang opisyal na hindi naman agad mararamdaman ang pagbabago ng mga paliparan kung uupo na ang NNIC maliban na lamang sa small ticket items.

Sa usapin naman ng big ticket items, may dalawang mahalagang pahuhusayin ang NNIC sa  paliparan – ito ay ang pag-upgrade at pag-update sa passenger boarding bridges at  visual docking system.

Obligado rin ang NNIC na mapataas ang kapasidad ng mga dumarating na pasahero sa NAIA.

“Obligasyon po ng NNIC na, number one po, mapataas ang current passenger capacity ng ating mga terminals. As to the design po, at present it’s designed just for 30 million passengers per year ‘no, but we’re hitting around 50 already. So, sa KPI po nila ay dapat po nila itong ma-increase to 60M, iyon nga po iyong pagpapatayo ng panibagong terminal will be addressing this,” dagdag ni Bendijo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble