PABOR ang mahigit 60% na mga Pilipino sa pagsasabatas sa SIM card registration, ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa SWS survey na may 1,500 respondents, 66% ang pabor sa nasabing batas habang 17% ang hindi sang-ayon at 23% ay mga undecided.
Naniniwala ang mga pabor sa SIM Card Registration Law na makatutulong ito sa paglaban sa krimen na may kaugnayan sa paggamit ng mobile phones.
Pinakamataas naman na may net approval sa SIM card registration ang Luzon na may +47, sunod ang Mindanao na may +45, Metro Manila na may +43 at Visayas na +34.
Isinagawa ang naturang survey isang linggo bago naisabatas ang Republic Act 11934 o ang SIM Card Registration Law.