600 na recruits, sumabak sa Coast Guard training sa Zamboanga

600 na recruits, sumabak sa Coast Guard training sa Zamboanga

SUMABAK ang nasa 600 na recruits sa mas pinalawak at pinalakas na serbisyo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Zamboanga.

Isasagawa ito sa loob ng anim na buwan sa regional training center sa San Ramon, Zamboanga City.

Ilan sa mga paghahanda dito ang military drills, basic soldiery, at pag-aaral sa customs at traditions ng PCG.

Sasailalim din sila sa pagsasanay ang 600 na recruits patungkol sa mga mandato ng serbisyo, partikular ang pagpapatupad ng Maritime Law Enforcement, maritime security, maritime safety, search and rescue, at marine environmental protection.

Nakibahagi sa convening ceremony ng Coast Guard Non-Officers’ Course (CGNOC) Class 85 – 2021 sina CG Commodore Roben N. De Guzman, Deputy Commander ng Coast Guard Education, Training, and Doctrine Command (CGETDC) at CG Commodore Luisito S. Sibayan, Commander ng Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM).

Ayon sa Coast Guard, hindi basta-basta ang pinagdaanan ng mga recruit dahil sa mga masinsinang medical evaluation at health assessment para masigurong ‘physically fit’ ang kanilang pangangatawan at handa sa mga pagsubok na haharapin sa loob ng ilang buwang training.

Kaisa ang PCG sa laban ng pamahalaan kontra sa banta ng pananakop lalong lalo na sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.

Isa sa mga kasalukuyang hamon ng bansa ang mapanatili ang paninindigan nito sa mga pagmamay-ari ng pamahalaan o Exclusive Economic Zone (EEZ).

Makikitang bukod sa mga naidadagdag na mga tauhan, halos tuluy-tuloy din ang modernisasyon ng Philippine Coast Guard mula sa mga Search and Rescue equipments at facilities at mga armadong kagamitan ng ahensiya.

SMNI NEWS