6,000 steel bollards, ipinalit sa mga concrete barrier sa kahabaan ng EDSA

6,000 steel bollards, ipinalit sa mga concrete barrier sa kahabaan ng EDSA

SINIMULAN nang palitan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga concrete barrier ng steel bollards sa kahabaan ng EDSA.

Nasa 6,000 piraso ng bollards, ang ilalagay sa EDSA kasama dito ang underpass at overpass.

Nitong nakaraang linggo ay nasimulan nang palitan ng MMDA ang mga concrete barriers ng steel bollards sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa obserbasyon ng MMDA, isa sa mga nakikitang dahilan ng kadalasa’y vehicular accidents ay dahil sa nakalagay na concrete barriers.

Nauna nang jnilagay ng MMDA ang mga concrete barriers matapos ipatupad ang bus way lane.

Ayon kay MMDA Traffic Chief Bong Nebrija, ang paggamit ng bollards ay bahagi ng road diet sa kahabaan ng EDSA upang mas magamit pa ang espasyo na nakalaan sa mga bus, pribadong mga sasakyan at bikes.

Gayundin, makababawas nang husto sa mga aksidente sa naturang lugar dahil sa mas madali itong makita at maliit din ang nagagamit na espasyo nito.

Matatandaang, naglagay ng concrete barriers ang  Department of Transportation (DOTr),  noong nakaraang buwan, na aabot sa 36,000 concrete barriers upang ilagay bilang dedicated lane para sa mga bus sa EDSA. Nagkakahalaga ang bawat isang concrete barrier ng P4,300.

Sa datos, marami pa ring motorista ang aksidenteng sumasalpok sa concrete barriers dahil sa nagiging rason ng mga driver ay nakakatulog sila habang nagmamaneho o di naman ay mali ang kalkulasyon nila habang binabaybay ang kahabaan ng EDSA.

Paglilinaw naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, mula sa isang pribadong sektor ang ginagawang pagpapalit ng steel bollards sa EDSA.

Unang itinanim sa EDSA crossing, northbound area ang steel bollards malapit sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.