Dumating na sa bansa ang 600,000 dosis na CoronaVac vaccine na binigay ng People’s Republic of China na lulan sa isang Chinese military plane sa Villamor Air Base (VAB) sa Pasay City, ngayong araw, Pebrero 28.
Pinangunahan naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-turnover ng nasabing mga bakuna mula sa China.
Sinuri ni Pangulong Duterte ang mga crate na may lamang mga dosis ng CoronaVac vaccine at ang aktuwal na vials sa isinagawang ceremonial turnover ng mga donasyong bakuna sa gobyerno.
“I wish to assure the public that the government remains committed to a timely rollout that will enable us to confidently reopen our society,” pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati.
“To my fellow Filipinos, please set your fears aside. These vaccines are packed by Science and deliberated by Filipino experts. I encourage you to get vaccinated at the soonest possible time and be a partner in preventing the further spread of the disease,” panawagan ni Pangulong Duterte sa publiko.
Ang CoronVac ng Sinovac Biotech Ltd., ay pangatlong brand ng COVID-19 vaccine maliban sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca na nabigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ng bansa.
Mula sa Villamor Air Base, ilulan ang mga bakuna sa anim na 40-footer na trak na ihahatid patungong sa cold chain storage facilities sa Philippine General Hospital (PGH) at sa Metropac Logistics sa Marikina City.