600,000 Sinovac vaccines, nakatakdang dumating sa Pebrero 23

MAHIGIT kalahating milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa Chinese pharmaceutical firm Sinovac ang nakatakdang dumating sa bansa sa Pebrero 23.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing.

Ayon kay Roque, 600,000 doses ng Sinovac vaccines ang darating sa Pilipinas sa nasabing petsa.

Kabilang aniya rito ang 100,000 na donasyon ng Chinese government sa Department of National Defense.

Sa ngayon ay hindi pa nabibigyan ang Sinovac ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration, isang requirement bago legal na gamitin sa bansa ang bakuna.

SMNI NEWS