TARGET ngayon ng pamahalaan ng Thailand sa loob ng limang taon ang $62-B na investment para sa pagpapalago ng industrial sector.
Ayon kay spokesman Thanakorn Wangboonkongchana, inilatag nito ang 2023-2027 plan ng pamahalaan na nakatakdang mag-invest ng mga electric vehicle at medical technology sa bansa.
Inaasahan naman ng pamahalaan ang 400 to 500 billion baht investment kada taon ng bansa na siyang tugon upang mapataas ng 5% ang economic growth sa taong 2024.
Pangungunahan naman ng Eastern Economic Corridor ang pakikipag-ugnayan nito sa mga negosyante upang makamit ang target na investment ng bansa.
Samantala, sa 2018-2022 plan ng Thailand, umabot na sa 1.8 trillion baht ang investment budget nito na mas mataas kaysa sa target nito na 1.7 trillion baht.