NASAKTAN sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Albay ang 628 indibidwal.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, Hunyo 19, 2023.
Pero hindi malinaw kung ito ay dahil sa pagkakalanghap ng abo o pagbuga ng volcanic debris.
Ayon sa NDRRMC, patuloy na isinasailalim sa berepikasyon ang mga naiulat na nasaktan sa lalawigan.
Kasabay nito, umabot na sa 10,146 pamilya o 38,961 indibidwal ang inilikas mula sa 26 barangay.
Habang 5,466 pamilya o 18,892 indibidwal ang sumisilong sa 28 evacuation centers.