63 na probinsya, makararanas ng tagtuyot sa susunod na taon

63 na probinsya, makararanas ng tagtuyot sa susunod na taon

TINATAYANG nasa animnapu’t tatlong probinsya sa bansa ang makararanas ng tagtuyot sa susunod na taon.

Ito ang sinabi ni Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum.

Aniya, sa unang limang buwan ng 2024 mararanasan ang El Niño phenomenon pero ang matinding epekto nito ay mararamdaman sa buwan ng Abril.

Dagdag pa ni Solidum, mayroong labindalawang probinsya pa ang makararanas ng dry spell maliban sa Caraga at Davao Oriental.

Pero sa kabila nito, tiniyak naman ng mga water concessionaires lalo na sa Metro Manila na hindi magkakaroon ng krisis sa tubig.

Sa inaasahang mararanasang El Niño, nagpaalala si solidum sa publiko na magtipid sa tubig at kuryente dahil nakatutulong ang mababang demand para tumagal pa ang suplay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble