PINARANGALAN ang 66 sundalo na nakipaglaban sa Communist Terrorist Group (CTGs) sa Kabisayaan.
Pinarangalan ng AFP Visayas Command (VisCom) ang 66 sundalo sa ilalim ng 302nd Infantry Brigade at 303rd Infantry Brigade para sa kanilang katapangan sa paglaban sa CPP-NPA sa Central at Western Visayas.
Kabilang dito ang 37 sundalo kung saan 5 ang opisyal, 31 Enlisted Personnel at 2 CAFGU Active Auxiliary ang ginawaran ng Gold Cross Medal.
Habang 28 sundalo na binubuo ng 9 opisyal at 19 Enlisted Personnel ang binigyan ng Silver Cross Medal.
Ayon kay AFP VisCom commander Lieutenant General Benedict Arevalo, ang parangal ay nagpapakita ng matibay na dedikasyon ng mga sundalo upang wakasan ang local communist armed conflict habang patuloy na itinataguyod ang kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon.
Kasabay rito, hinimok ni Arevalo ang ilang natitirang miyembro ng CPP-NPA na isuko na ang kanilang mga armas at magbalik-loob sa batas.