NAITALA sa 66,567 ang active cases ng COVID-19 sa bansa o 10.4% sa cumulative total cases ayon sa Department of Health (DOH).
Ito na ang pinakamataas na bilang ng aktibong kaso simula noong Setyembre 19 nakaraang taon.
Naitala rin ngayong araw ang pangalawa sa pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa taong ito na nasa 5,290.
Dahil dito, umabot na sa kabuuang bilang sa 640,984 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Panglima naman ang nadagdag na bagong kaso sa highest daily tally simula nang mag-umpisa ang pandemya.
Sa loob ng pitong araw, naitala ang mahigit sa 4,000 ang bagong kaso ng COVID-19.
Samantala, nasa 439 ang nakarekober sa sakit ngayong araw upang umabot sa 561,530 ang kabuuan nito.
Nasa 21 bilang naman ang bagong nasawi na dumagdag upang umabot sa 12,887 ang kabuuang namatay sa sakit.
Sa mga aktibong kaso, 93.3% rito ang may mild symptoms, 3.7% ay mga asymptomatic, 12% ang nasa critical condition, 12% ang severe symptoms, at 0.64% ang may moderate symptoms.
(BASAHIN: “Personal ECQ” ipinanawagan ng OCTA Research sa publiko)