NASA 67K (67,353) na persons deprived of liberty (PDLs) ang natulungang makalaya ng Public Attorney’s Office (PAO).
Ayon kay acting PAO-Field Operation and Statistics Service Head Rigel Salvador, ang naturang bilang ay ang mga napalayang PDL mula Enero hanggang sa 3rd quarter ng taon.
Sa naturang bilang, 38K (38,087) ang PDLs na humihiling ng acquittal, demurrer to evidence, motion to quash at iba pa.
Nasa 16.6K (16,652) naman ang napalaya matapos nagsilbi ng kanilang sentensiya at nasa 8K (8,016) ang napalaya dahil sa provisional dismissal ng kanilang mga kaso.