69% ng mga Pinoy, nahihirapan sa proseso sa paghahanap ng trabaho—SWS

69% ng mga Pinoy, nahihirapan sa proseso sa paghahanap ng trabaho—SWS

INIHAYAG ng Social Weather Stations (SWS) na nasa 69 porsiyento ng adult Filipinos ang nahihirapang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon ayon sa isinagawa nitong survey.

Nakita sa survey na tanging 11 porsiyento lamang ng mga respondent ang nagsabing madali ang paghahanap ng trabaho sa panahon ngayon habang 16 porsiyento ang nagsabing hindi madali o mahirap ang paghahanap ng trabaho.

Ang survey ay isinagawa sa 1,200 Filipino respondents edad 18 taong gulang pataas sa buong bansa na may sampling error margin na +2.8 percent.

Ayon naman sa SWS, nahihirapan na talaga ang mga Pinoy sa paghahanap ng trabaho simula taong 2011 pa lamang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter