DINALUHAN ng 6th Infantry Division ang ginawang 2nd Regional Joint Security Control Center (RJSCC) Meeting na pinangunahan ng Police Regional Office 12 na ginanap sa Camp Gen. Paulino T. Santos sa Barangay Tambler, General Santos City.
Maliban sa Philippine Army present din sa nasabing pagpupulong ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya gaya ng COMELEC Region 12, PNP at ibang security at partner agencies.
Ang nabanggit na pagpupulong ay naglalayong magbigay daan para matalakay ang mga hakbang at masiguro ang seguridad sa darating halalan.
Ayon kay Maj. Gen. Antonio Nafarrete Commander ng 6th Infantry Division/JTFC importante na nagkakaisa at tulung-tulong ang bawat ahensya ng pamahalaan upang maging maayos at mapayapa ang election 2025 sa kanilang lugar.