7.5million halaga ng high grade marijuana, nasakote sa anti-illegal drugs operation sa Mandaluyong

7.5million halaga ng high grade marijuana, nasakote sa anti-illegal drugs operation sa Mandaluyong

2 suspek ang arestado sa matagumpay na anti-illegal drugs operation ng mga tauhan ng Eastern Police District kasunod ng pagkakasabat sa 5 kilo ng suspected high grade marijuana.

Ayon sa mga Pulis, alas 9:30 umaga nitong Nov 4, 2024 nang isagawa ang buy-bust operation sa apartment ng mga suspek sa Brgy. Plainview Mandaluyong City.

Nang maaktuhan ang palitan ng transaksiyon sa pagitan ng mga suspek ay posuer buyer na pulis ay saka na isinagawa ang pag-aresto.

Nagkakahalaga ng 7.5 Milyong piso ang halaga ang ilegal na droga.

Kasauluyang nagsasagawa ng dagdag na imbestigasyon ang mga Pulis sa mga posible pang kasabwat ng mga nahuling suspek.

Nasa kostudiya ng Mandaluyong Police Custodial Facility ang mga suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble