7.7K inmates, napalaya nitong 2024—BuCor

7.7K inmates, napalaya nitong 2024—BuCor

NASA isang libo na mga inmate ang napalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 30, 2024.

Dahil dito, sa kabuuan ay nasa 7,707 na mga inmate ang napalaya noong 2024.

Sa mga napalaya simula Nobyembre, 26,625 dito ang nakakumpleto na ng kanilang maximum sentence; 134 ang acquitted; isa ang granted na ang kaniyang motion for release; 38 ang nabigyang probation; 190 ang nabigyang parole; 11 ang napalaya dahil sa habeas corpus; at ang isa ay na-turnover sa isang lokal na piitan.

Samantala, sa mga inmate na convicted ng karumal-dumal na mga krimen na saklaw ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law ay mapapalaya na sila simula ngayong 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble