INIREREKOMENDA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagkakaroon ng panibagong working hours para sa lahat ng national government agencies na naka-base sa National Capital Region (NCR).
Paliwanag ng MMDA, makatutulong ito upang mapagaan ang masikip na daloy ng mga sasakyan lalo na’t isasailalim na sa isang rehabilitasyon ang EDSA sa buwan ng Marso.
Sa rekomendasyon, gawin na lang anila na 7 AM hanggang 4 PM ang working hours ng government agencies.
Nilinaw naman ng MMDA na tatalakayin pa ito ng Metro Manila Council.