7 business tycoons ng Pilipinas, sinusuportahan si PBBM sa WEF sa Switzerland

7 business tycoons ng Pilipinas, sinusuportahan si PBBM sa WEF sa Switzerland

KASAMA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Davos, Switzerland ang pitong malalaking businessmen ng Pilipinas bilang pagsuporta sa partisipasyon ng bansa sa 2023 Annual Meeting ng World Economic Forum (WEF).

Kabilang dito sina Sabin Aboitiz (Aboitiz); Kevin Andrew Tan (Alliance Global); at Jaime Zobel de Ayala (Ayala Group).

Naroon din sa Davos sina Lance Gokongwei (JG Summit Holdings); Ramon Ang (San Miguel Corp.); Teresita Sy-Coson (SM Investments); at Enrique Razon (International Container Terminal).

Dumating si Pangulong Marcos sa Switzerland noong Linggo ng hapon o Linggo ng gabi (Ph time) kasama ang official delegation na binubuo ng government officials at business leaders.

Kaugnay rito, inihayag ni Pangulong Marcos na ang WEF ay nagho-host ng isang country strategy dialogue para sa Pilipinas.

Dito binibigyan ng pagkakataon na i-promote ang Pilipinas bilang pinuno, ‘driver of growth’ at isang gateway sa Asia-Pacific Region.

Follow SMNI NEWS in Twitter