7-day positivity rate sa NCR, patuloy ang pagbaba –OCTA

7-day positivity rate sa NCR, patuloy ang pagbaba –OCTA

BUMABA ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na isang linggo.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 5.8% ang 7-day positivity rate sa NCR noong Enero 7, 2023 mula sa 9.1% noong Disyembre 31, 2022.

Umabot naman sa low levels ang positivity rate sa Batangas, Bulacan, Ilocos Norte at Pangasinan.

Habang nananatili sa high ang positivity rate sa Albay na may 25.6% at sa Isabela na may 35.1%.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga sumasailalim sa COVID testing. 7-day positivity rate

Follow SMNI NEWS in Twitter