DALAWANG katao ang namatay at isa ang critically injured sa panibagong dalawang magkahiwalay na shootings sa Half Moon Bay Northern California.
Ayon sa ulat ng US Media, ang dalawang insidente ng pamamaril ay nangyari sa mga farm malapit sa isa’t isa sa timog ng San Francisco. shooting
Sa ulat ng ABC7, pitong katao ang namatay sa Mountain Mushroom Farm at kalapit nitong rice tucking-soil farm.
Ang bagong shooting incident ay nangyari wala pang dalawang araw ang nakalilipas matapos na mamaril ang isang gunman at nakapatay ng nasa 11 katao sa isang dance studio malapit sa Los Angeles sa kalagitnaan ng selebrasyon ng Lunar New Year.