7-M katao, namamatay dahil sa air pollution—WHO

7-M katao, namamatay dahil sa air pollution—WHO

AABOT sa pitong milyon katao ang namamatay bawat taon sa buong mundo dahil sa polusyon sa hangin ayon sa World Health Organization (WHO).

Sa Pilipinas ay 100 sa bawat 100-K Pilipino ang namamatay dahil dito.

Ayon kay Maria Obiminda Cambaliza ng Manila Observatory, ang 60% na pinagmumulan ng polusyon sa hangin sa bansa ay mga sasakyan.

Kung matatandaan pa aniya noong Setyembre ng nakaraang taon, binalot ng smog ang buong National Capital Region (NCR) dahil sa air pollution.

Kaugnay rito ay nagkaroon ng memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Aeronautics and Space Administration (NASA) kung saan magsasanib-pwersa ang mga ito para pag-aralan ang kapaligiran ng Metro Manila at karatig lugar.

Maging ang region 3 at 4A, Ilocos Norte, Cebu at Palawan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble