7 magnanakaw, naaresto ng LA Police sa gitna ng nararanasang wildfires doon

7 magnanakaw, naaresto ng LA Police sa gitna ng nararanasang wildfires doon

NAARESTO ng Los Angeles Police Department ang pitong magnanakaw sa gitna ng nararanasang wildfires doon.

Dalawa pa sa mga ito ay nagpapanggap na mga bombero.

Ang naturang bilang ay mga naaresto sa nakalipas na tatlong araw at patuloy pa nilang minomonitor ang iba pang nagtatangkang magnakaw.

Kasama na rin sa minomonitor ng L-A P-D dito ang mga kinuhang private security guards ng mga may-ari ng bahay nang pinalikas na sila ng kanilang lokal na pamahalaan mula sa wildfires.

Nagsimula ang wildfires sa Los Angeles noong Enero 7, 2025 at ikinamatay na ito ng 16 katao batay sa update hanggang nitong Enero 12.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble