7 malalaking transport groups, hindi lalahok sa 3-araw na tigil-pasada ng PISTON

7 malalaking transport groups, hindi lalahok sa 3-araw na tigil-pasada ng PISTON

NANINDIGAN ang pitong malalaking transport groups sa Pilipinas na wala silang planong makiisa sa isasagawang tatlong araw na tigil-pasada ng grupong Pinagkaisahang Samahan ng Transportasyon at Operators Nationwide (PISTON) sa susunod na linggo.

Ang plano na tigil-pasada ay may kaugnayan sa kawalan umano ng pagtugon ng Transportation Department sa kahilingan nila na buwagin ang PUV Modernization program.

Sa isang pahayag, ayon kay Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) President Orlando Marquez, hindi nila suportado ang tigil-pasada dahil hindi naman nito matutugunan ang kanilang mga problema.

Punto pa nito, bukas ang tanggapan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa kanilang mga hinaing.

Una na ring nilinaw ng DOTr na layunin ng consolidated o pagsasama-samang transport group ang makapagtayo ng kooperatiba.

Sa ilalim nito, mas mailalapit pa sa mga tsuper at operator na nasa kooperatiba ang mga tulong ng gobyerno sa transport sector.

Follow SMNI NEWS on Twitter