7 miyembro ng BIFF, sumuko sa militar sa Maguindanao

7 miyembro ng BIFF, sumuko sa militar sa Maguindanao

SUMUKO ang 7 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Bungos Faction sa tropa ng 57th Infantry Battalion sa Barangay Mirab, Upi, Maguindanao.

Ibinaba rin nila ang isang M16 rifle, dalawang M14 rifle, dalawang cal. 50 Barrett, isang M79 Grenade Launcher, at isang cal. 45 pistol.

Ang mga nagbalik-loob sa gobyerno ay iprinisinta kay Joint Task Force Central Commander Major General Roy Galido kasama ang iba pang opisyal ng militar, at mga opisyal ng lalawigan.

Pinuri ni General Galido ang mga dating miyembro ng BIFF sa paggawa ng tamang desisyon, kasabay nito ay inaasahan niyang susunod na rin na susuko ang iba pang miyembro ng grupo.

Matatandaang sumuko ang field commander ng BIFF kasama ang limang tagasunod sa Maguindanao noong Sabado, Setyembre 24.

Follow SMNI NEWS in Twitter