7 paaralan sa Lanao del Norte, nilubog ng baha

7 paaralan sa Lanao del Norte, nilubog ng baha

NILUBOG ng baha ang pitong eskwelahan sa Lanao del Norte ayon sa provincial government.

Ito ay matapos ang malakas na pag-ulan at matinding pagbaha sa lugar nitong Lunes.

Kabilang sa mga apektadong paaralan ay ang FM Posadas Elementary School, Lanipao Central Elementary School, Guillermo Abugan Elementary School, Tubod Central Elementary School, Raw-an Point Elementary School at Panadtaran Elementary School.

Ayon kay Zoila Maxine Esic ng Public Information Office ng Lanao del Norte, walang mga paaralan ang ginamit bilang evacuation center.

Lahat ng evacuees aniya ay nasa mga barangay hall at sa evacuation site sa Cultural Center.

Dagdag pa nito na balik-eskwela na ang mga estudyante sa mga paaralang hindi apektado ng pagbaha.

Sa ngayon, wala pang datos ang provincial government sa bilang ng mga apektadong estudyante.

Follow SMNI NEWS in Twitter