POSIBLENG mapatalsik ang pitong police officers mula sa Manila Police District (MPD) dahil sa pangingikil.
Isang 49 years old na lalaki ang umano’y biktima ng naturang mga pulis.
Nag-ugat ang isyu ng pangingikil mula sa pagkakaaresto ng nagreklamo noong Hunyo 20 base sa gawa-gawang kaso ng droga.
Habang nasa kustodiya ng pulisya, umano’y humingi ang mga sangkot na pulis ng P50K mula sa asawa ng biktima kapalit ng kaniyang paglaya.
Sa ngayon ay ipinag-utos na rin ang pagtanggal sa puwesto ng commander ng Police Station 5 dahil sa command responsibility o pagkabigong kumilos kaugnay sa kaso.