KINASUHAN na ng Cebu City Prosecutor’s Office ng kasong kriminal ang 7 suspek sa pagkamatay ng isang estudyante ng Unibersidad ng Cebu noong nakaraang taon.
Ayon kay PAO chief Persida Rueda-Acosta, ang mga suspek sa hazing ay isang university instructor at tatlong estudyante, ay pawang miyembro ng Tau Gamma Phi.
Sa rekord aniya ng pulisya, naganap ang umano’y initiation rites noong Disyembre 10, 2022, sa isang bahay sa kanto ng Cabreros at L. Gabuya Streets, Brgy. Basak San Nicolas sa Cebu City.
Matatandaang, ang biktimang si Ronnel Baguio, 20-anyos na Marine Engineering student, ay namatay umano sa isang fraternity hazing.