7 sugatan sa lindol sa Peru

7 sugatan sa lindol sa Peru

ISINUGOD sa ospital ang 7 katao sa Peru matapos ang 5.5 magnitude na lindol sa bansa.

Ayon sa National Institute of Civil Defense (INDECI), napag-alaman na sa probinsya ng Cañete sa distrito ng Chilca ang epicenter ng pagyanig.

Isinugod naman ang 3 sa 7 sa San Juan Bautista de Huaral Hospital dahil sa pagkakaroon ng pasa sa katawan, habang dinala naman ang 4 sa Pediatric Emergency Hospital, sa Lima.

Samantala, ayon sa INDECI, patuloy ang pagmomonitor sa mga rehiyon kung saan naganap ang lindol at inalerto na ng Minsa Emergency and Disaster Monitoring Spaces ang health service provider institutions sa posibleng pagdating pa ng karagdagang biktima ng lindol sa kanilang mga nasasakupan.

Sa inisyal na ulat ay wala namang naitalang imprastrakturang nasira sa nasabing insidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter